NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list France Castro sa mga consumer na maghanda para sa paparating na pagtaas sa presyo ng kuryente at mayroong mga lugar na makakaranas ng hanggang P7.24 per kilowatt-hour (kWh) pagtataas.
“Nakakagulat ang biglang taas ng singil sa kuryenteng ito at dapat na maprotektahan ang mga consumers dito,” saad ni Castro.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy ni Castro ang mga lugar na sineserbisyuhan ng San Fernando Electric Light & Power Company (SFELAPCO) kung saan aniya papalo sa P7.24/kWh ang dagdag-singil sa mga negosyo at kabahayan sa Pampanga.
Pasok din sa talaan ng mambabatas MORE Power na aniya’y magpapatupad ng P4.08/kWh pagtaas. Ang Visayan Electric Cooperative ay meron naman aniyang napipintong P3.56/kWh increase habang ang Davao Light ay magtataas ng P2.96/kWh.
But wait, there’s more anang kongresista sa P2.15 per kilowatt hour increase na ipapataw ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga sineserbisyuhan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ng Rizal, Bulacan, Laguna, at Cavite.
Ayon kay Castro ang presyo ng kuryente ng Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (OMECO) ay lumobo na sa P21.19/kWh, samantalang ang Negros Occidental Electric Cooperative (NOCECO) ay nasa P16.11/kWh habang ang Northern Samar Electric Cooperative, Inc. (Norsamelco) ay P14.06/kWh na.
Sinisi naman ni Castro ng kabi-kabilang pagdedeklara ng yellow at red alert nitong mga nakalipas na buwan.
“These astronomical increases are still tied to the numerous and continuous red and yellow alerts caused by forced outages of power plants,” paliwanag ni Castro.
Giit ni Castro, wag ipasa sa taumbayan ang kasalanan at kapalpakan ng mga korporasyon at kooperatiba sa likod ng depektibong planta ng kuryente.
Nanawagan din ang lady solon sa Energy Regulatory Commission at Department of Energy na imbestigahan ang aniya’y mapanupil na polisiya, sistema at kwentra ng mga kumpanya at kooperatiba. “We demand transparency in the computation of these rates and concrete steps to prevent such drastic increases in the future. The government must prioritize the welfare of its citizens over the profits of power companies.”
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA