Nakaresbak ang Sipons tandem sa women’s beach volleyball sa 31st SEA Games. Dinaig nina Sis Rondona at Bernadette Pons ang home players ng Vietnam. Dinomina nila sina Vu Ngoc Lan Nyuyen at Nguyen Le Thi Toung Vy, 21-16, 21-12 win.
Tinalo rin ng tambalan nina Jovelyn Gonzaga at Dji Rodriguez ang Vietnamese opponents. Binarag nila sina Nguyen Thi Thanh Tram at Troung Doung My Huyen, 21-13, 22-20.
Dahil dito, napaigi ng 2 pambato ng Pinas ang record sa 3-1. Makakarahap nila ang Thailand bukas sa single round robin stint. Ang Thailand ang defending champ sa nasabing event.
Magsisimula ang bakbakan ng PH two duo bets sa ganap na alas 3:45 ng hapon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!