UMARANGKADA na ang vaccination sa Dr. Jose Fabella Hosital dito sa Lungsod ng Maynila.
Ganap na alas-8:00 ng umaga nang unang bakunahan ng Sinovac ang mga doktor, nurse at kasunod ang mga medical technologists sa Dr. Jose Fabella Hospital sa Lungsod ng Maynila.
Nabatid na kasama rin sa mga babakunahan ng ay ang mga maintenance utilities gaya ng mga janitor at iba pa.
Samantala, aminado ang pamunuan ng ospital na hindi agad nasimulan ang vaccination rollout sa pagamutan dahil sa hindi gaanong tanggap ng mga health care worker ang Sinovac.
Pinaliwanag ni Dr. Esmeraldo Ilem, ang medical center chief ng Fabella Hospital, noong una ang bakuna ng Pfizer ang gusto ng
medical frontliners batay sa ginawa nilang survey.
Ngunit nang dumating ang mga bakuna ng Sinovac, wala pang isang daang health care workers mula sa 1,500, ang nagpalista para magpabakuna.
Kaya kahit na nakuha nila ang 300 doses ng Sinovac vaccine na CoronaVac mula sa Department of Health (DOH) noong Martes, hindi agad nasimulan ang vaccination.
Ayon pa kay Dr. Ilem, para mahikayat ang mga frontliner ng ospital, nagsagawa muna sila ng pinalakas na kampanya, information giving at counseling hinggil sa bakuna kaya tumaas ang bilang ng health care workers na naging interesado na magpaturok ng Sinovac ng hanggang 300, at ngayong araw ay umabot ng 500.
Sinabi ni Dr. Ilem na magtutuluy-tuloy ang vaccination at kung kailangan ay hihiling sila ng panibagong suplay sa DOH, Sinovac man o AstraZeneca. Ngunit iginagalang aniya ng pamunuan ng Fabella Hospital ang pasya ng kanilang health care workers.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA