Bakit hinahayaang makapamayagpag at magkalat ang mikrobyo partikular sa Senado ang iilan sa upper chamber at sapawan ang mga mas nakararami at —higit na may talino kesa sa mga self- proclaimed na kritiko partikular iyong carrier ng virus.
Takot ba si Senate president Tito Sotto maging si Senator Ping Lacson na hinahayaang maka-epal ang kanilang virus na colleague?
Puno ng mikrobyo ang bunganga nito pati kakupal niya dahil wala talaga itong sasabihing makabubuti sa mamamayan kundi para sa kanilang kakulay at kapwa salot sa lipunan ang interes lamang at upang laging nakakadekwat ng limelight sa media na di ko maintindihan.
Bakit siya pinapatulan ng mga mamamahayag sa kanyang kalokohan at kasalanan sa bayan. Bisyo na nito ang mag-akusa, magduda o manghusga ng tao nang walang hawak na ebidensya at kapag inalmahan ay bibitawan ang isyu tutal ay nagkaroon na siya ng mileage na free pol ads para sa 2022.
Lahat ay naiisahan niya maliban sa isang babaeng Senadora rin na naging atleta noong kabataan niya matapos na nambintang nang aniya ay kalokohan sa pagpatayo ng world class na stadium sa Clark na matagumpay na nagamit noong 2019 hosting ng 30th SEAGames at pinagharian pangkalahatan ng Pilipinas.
Hanap siya ng butas ng iba at di alintana ng kapalmuks ang kasalanan niya sa bayan kaya di dapat pamaRISAn.
Nakahanap siya nang katapat na hindi takot sa kanya.May bakuna na kontra virus…Piyapiyaah!
Kaya humanda na ang mga pesteng virus sa Senado at Kongreso parating na ang vaccine na panapat sa mikrobyo ninyong di naman deadly pero tinik lang sa lalamunan… ABANGAN!!!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA