November 23, 2024

SINO ANG NANGUNGUNA? SINO BA TALAGA ANG MALAKAS?

Sa paggulong mga Ka-Sampaguita ng 2022 national elections, naglabasan ang mga surveys. Ang mga paandar na ito upang makuha ang pulso ng taumbayan ay mula sa iba’t-ibang kompanya.
Mayroon ding independent organization na gumagawa nito.

Ewan lang natin kung nag-o-operate sila na pinopondohan ng ilang politiko. Hindi imposibleng mangyari iyon para ikondisyon ang isip ng madlang pipol.


Ang tanong, sino ba talaga ang nangunguna sa survey? Sa pagka-Presidente, Bise at mga senatoriables?


Sa ganang akin, di ako basta-basta naniniwala sa surveys. Inaanalays ko muna ito kung totoo. O mapagkakatiwalaan. Ang sa akin ay sa social media. Malalaman mo ang paldo batay sa post at comments ng netizens.


Kahit sabihing may gumagnaang trolls ang ibang kandidato, upang palabasing sila ang numero uno, hindi nila basta-basta mauuto ang netizens. Matatalino na ang mga botante ngayon.
Sino ang mas mabango sa mga netizens? Ayon sa lumabas na datus, nangunguna si Bongbong Marcos. Ikalawa si Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao ayon sa pagkakasunod. Nasa bottom naman sina Sen. Ping Lacson at VP Leni Robredo.


Pero, mag-iiba pa ‘yan sa susunod na mga araw. Sa trend na ito sa social media, alam ng mga politiko kung sino talaga ang malakas. ‘Yan ang totoo. Adios Amorsekos!