Sa darating na Lunes na ang 2021 NBA All-Star Game sa State Farm Arena sa Atlanta. Ang tanong ng karamihan, magiging exciting kaya ito? Ano ang mahihita ng mga basketfall fans.
Di gaya nang nakalipas na 2 season ng all-star, hindi na Team LeBron o Giannis ang maglalaban. Kundi, Team LeBron at Team Durant.Speaking of two teams, pakiramdaman kong sino ang malakas. Sino nga ba? Kung ako ang tatanungin, balanse lang.
Ibabandera ng Team LeBron ang pambatong sina, Luka Doncic, Giannis Antetokounmpo, Stephen Curry at Nikolai Jokic.Pambato naman ng Team Durant sina Kyrie Irving, Giannis , Joel Embiid, Kawhi Leonard at Bradley Beal.
Kung titimbanging mabuti, halos balanse lang. Halos di mag-iiwanan iyan. Dikitan lang. May taga-East na nasa West na kasi ngayon. Then, vice versa.
Nagtanong-tanong tayo sa mga kaibigan kung sino ang mananalo. Team LeBron o Team Durant? Sa 10, 6 ang kumampi sa una. Kasi, malakas daw ito.
Aabot daw ang combine points sa 300 plus (pwede). Beat nga ng isa, 158 team LeBron, 150 team Durant, he-he-heAno sa tingin n’yo mga Ka-Slam Bang? Sino ang mananalo? Abangan natin sa Lunes.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2