Shoot sa kulungan ang isang construction worker matapos magwala at manlaban sa mga barangay tanod na simita sa kanya sa hindi pagsuot ng face mast at paglabag sa curfew sa Malabon city, kamakalawa ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong Direct Assault at Alarms and Scandal ang suspek na kinilalang si Mark Angelo Torres, 20 ng No. 21 Guava Road, Brgy. Potrero.
Sa report nina police investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12 ng hating gabi, nagpapatrolya ang mga barangay tanod ng Brgy. Potrero sa kahabaan ng Guava Road nang makita nila ang suspek na walang suot na face mask at lumabag sa curfew.
Inimbitahan ng mga tanod si Torres sa kanilang barangay para sa documentation subalit bigla na lamang itong nagwala at pinagsisigawan ng masasamang salita ang mga arresting officers.
Inawat siya ng mga tanod subalit, hindi sila pinansan nito at nagpatuloy sa pagwawala na naging dahilan upang arestuhin ito ngunit pumalag ang suspek at pinagsisipa ang mga arresting officers hanggang sa magawa na siyang maposasan. (JUVY LUCERO)
(30)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA