REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mister matapos makuhanan ng P346,000 halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Roger Werble, 45, (user), driver at residente ng Block 34 Lot 1, Barracks St., Maharlika Village, Taguig City.
Ayon kay Col. Menor, bandang alas-10:05 ng gabi, habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police SS2 sa panulukan ng P. Jacinto St. at Orbano Street Brgy. 87, Caloocan City nang mapansin ng mga ito ang suspek na walang suot na face mask.
Nilapitan nina Pat. Rommel Diaz at Pat Allan Delbert Cunanan ang suspek para alamin ang kanyang pagkakilanlan.
Subalit, nang buksan ng suspek ang kanyang itim na leather body bag ay tumambad sa paningin ng mga pulis ang tatlong plastic sachets naglalaman ng hinihinalang shabu.
Agad inaresto ng mga pulis ang suspek at narekober sa kanya ang aabot sa 51 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P346,000 ang halaga at P10,000.00 cash.
Kasong paglabag sa Section 11, Art II of RA 9165 ang isasampang kaso ng pulisya laban sa suspek sa piskalya ng Caloocan City.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA