WALANG nagawa ang mga fans ng DonBelle loveteam, nang tanggalin ang ‘Can Buy Me Love’ sa second slot at inilagay ito sa third slot. Dedma ang management ng TV 5 sa kanilang pag alma.
“Iyon nga ho mas pinaburan nila ang ‘Linlang’ nina Kim Chiu, Paulo Avelino and Maricel Soriano. Inalis nila ang CBML ng DonBelle loveteam na pambata ang concept.
“Ang airing ng ‘Linlang’ ay sa darating na January 22 na, at mapapanood ito sa 2nd slot. At ang CBML ay sa 3rd slot na.
“Bagay daw ang CBML ng DonBelle loveteam sa 2nd slot dahil nga sa pambata ang concept nito, ang ‘Linlang’ naman ay pang-mature audience kaya bagay daw ito sa 3rd slot. “Pero hindi naman iyon sinang ayunan ng Dreamscape at ng ABS-CBN, kung bakit nilagay ang ‘Linlang’ sa 2nd slot. Dahil ang dahilan pala ay gusto nilang tapatan ang teleserye ni Xian Lim sa GMA 7 na ‘Love. Die. Repeat,’ wento pa ng aking source.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!