November 20, 2024

SINGLE CONFINEMENT POLICY TATANGGALIN NG PHILHEALTH

TATANGGALIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang single confinement policy bago matapos ang Setyembre.

Ito ang ipinangako ni PhilHealth President Emmanucel Ledesma sa joint hearing ng Senate committee on Health and Demigraphy at Finance.

Sa ilalim ng patakaran, isang beses lang sasagutin ng PhilHealth ang hospital bill ng isang pasyenteng na-admit sa parehong sakit sa loob ng 90 araw.

Ayon kay Sen. Bong Go sa pagdinig ng Senado, kalokohan at “illogical” ang policy na ito.

“Hindi mo mapipigilan ang pneumonia, hindi mo mapipigilan ang bleeding kapag maselan ‘yung pagbubuntis, hindi mo mapipigilan—pasintabi lang po sa inyong kumakain dito—kapag nagkadiarrhea tayo,” ayon sa senador.

Kaya inihirit niya kay Ledesma na tanggalin ang polisiya.

“I need your commitment dito sa removal of single confinement policy. Puwede ba natin marinig [na] tatangalin niyo ‘yung single confinement policy?” hiling ni Go.

 “We commit before month end, Mr. Chair,” tugon naman ni Ledesma.

Ipinangako rin niya ang increase ng benefit packages na ipatutupad bago matapos ang Nobyembre, habang idadagdag sa packages ang dental benefits bago matapos ang Disyembre.

“Commitment ‘yan po,” dagdag niya.