MADALAS mo bang gamitin ang iyong e-wallet para sa small value transactions?
Kung si Cagayan de Oro City Rep. Lordan ang masusunod, hindi mo na kailangan magbayad ng anumang bayarin para sa paggamit ng iyong e-wallet para sa transaksyon ng P1,000 pababa.
Inihain ni Suan ang House Bill No. 9749 na naglalayong na ilibre na ang mga e-wallet providers at electronic fund transfer service providers sa mga bayarin para sa maliliit na halaga upang hikayatin ang mga Filipino na maliliit lamang kita at walang bank accounts na gumamit ng e-wallets.
Iniaasahan na ang panukalang Electronic Wallet and Electronic Fund Transfer Small Value Transaction Fee Waiver Act na mai-promote ang digital inculision, na ang ibig-sabihin ay mas maraming Pinoy ang gumamit ng digital means para sa typical banking transactions tulad ng payments, tranfers, deposits at withdrawals.
“E-wallets offer a convenient and affordable alternative to traditional banking. Waiving fees for small transactions will encourage wider adoption among low-income individuals, increasing financial inclusion and economic growth,”saad sa nasabing panukalang batas.
“The bill mandates transparency in fee disclosure and encourages competition among e-wallet providers, ultimately benefiting consumers,” dagdag pa nito.
Ang waiver ng fees ay puwedeng i-apply sa mga transaksyon tulad ng, subalit limitado sa: pagpapadala ng pera sa ibang e-wallet user, magka-cash in at magka-cash out, at ilipat ang pera sa bank account.
Gayunpaman, may bayad na kung ang small value transactions ay aabot sa P2,000 sa loob ng isang araw.
“With its potential to empower individuals, promote financial literacy, and foster economic growth, the passage of this bill is crucial for a more inclusive and financially secure Philippines,” dagdag ni Suan.
Kabilang sa mga e-wallet providers sa Pilipinas ay ang GCash, Maya, GrabPay, Dragonpay, Coins.ph, BanKo, Alipay, PayPal at ShopeePay na niningil ng bayad bawat transakyon.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust