Bahagyang bababa ang singil ng Meralco sa nakokonsumong kuryente ng kanilang mga customer ngayong buwan ng Disyembre.
Sa inilabas na abiso ng Meralco, ang bawas ay nasa P0.0352 kada kilowatt per hour.
Mababatid na ang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba ng generation charges sa wholesale electricity spot market (WESM) prices.
Paliwanag ng Meralco, dahil sa bahagyang pagbabawas ng singil, ang mga customer ng electric company na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour ay mababawasan ng P7 sa kanilang bill.
Habang ang mga kumokonsumo naman ng 300 kilowatt hour ay may bawas ng P11.
Nasa P14 naman sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour.
At, P18 sa mga customer ng Meralco na kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE