Bukod sa pagiging singer at Youtube vlogger sensation, may isang kinasang proyekto si Donnalyn Bartolome. Ito ay ang tree-planting project. Ikinasa ito sa pamamagitan ng “Influence Us”, ang kanyang charity organization.
Maliban sa kanya, kasama din niya ang ibang donors na tutulong sa vlogger para kumalap ng funds.
Ang pondong ito ang ginagamit para sa panahon ng calamities.Ang tree-planting project niya ay nakalikom ng P1,083,418 milyon. Hindi pa inaanunsiyo ni Donnalyn kung kailan isasagawa ang tree-planting.
“All that subscribing and not skipping ads will all be worth it! I remember the stress of knowing that I can’t do anything more than I did but cry for the people affected. I knew you guys felt the same so I collected donations through my (YouTube) revenue and other ways so if you’ve subscribed and watched my videos (then) YOU HAVE DONE SOMETHING,” ani Donnalyn.
Para sa mga nais makiisa sa proyekto ng organization maaari silang i-message sa @influence_us.ph.
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Jail’, Nasa YouTube na!
Ang Enero ay Pambansang Buwan ng Biblia
Manuel A. Roxas, Natatanging Lingkod Bayan