November 25, 2024

Singapore swimfest… Tan’tastik sa artistic swimming para sa Pilipinas

Nakuha ng Philippine artistic swimming ang kinakailangang tulong para maipakilala sa sa masang Pinoy nang makamit ni US-based Filipina swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan ang  tatlong medalya, kabilang ang isang ginto, sa katatapos na 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center.

Ang 16-taong-gulang na ipinagmamalaki ng Bacolod City ay nagbigay sa bansa ng isang pambihirang tagumpay sa palakasan na hindi pamilyar sa lokal na komunidad ng palakasan matapos ang kahangha-hangang panalo sa Solo Free Group C Open Seniors na nakakuha ng kabuuang 96.6370 upang talunin si Shashani Fernando ng Sri Lanka ( 95.35.89).

Sa gabay ni coach ni Giella Garcia Sanchez at sinanay kasama ng Meraquas ng Irvine, California, pumangalawa si Tan sa Solo Tech Group C (15-19 Juniors) at nasungkit ang bronze sa Solo Tech Group D (Open Seniors) na may 187.4137 at 130.9950 points, ayon sa pagkakasunod.

“Ipinagdiriwang natin ang milestone na ito para sa Artistic Swim sa Pilipinas! Maraming salamat, Philippine Aquatics, Inc. Bukod sa pag-uwi niya para makipaglaban dito sa Singapore, sasabak din siya sa darating na SEA Age Group Championships sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 6-8, 2024,” ani Sanchez.

Makakasama ni Tan sa Philippine Team para sa SEA Age Championship sina Antonia Lucia Rafaelle at Zoe Lim.

Bukod sa artistic swimming ipinahayag ni PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 18, 2024, ang mga listahan ng mga junior athletes na bubuo ng mga koponan para sa regular na swimming, diving, at water polo.

Ang 13-man swimming team ay bubuuin nina Ryian Zach Danzel, Reinielle Jan Mikos Trinidad, Peter Cyrus Dean, Jaydison Edrei Dacuycuy, Jamesray Mishael Ajido, at Ivo Nikolai Enot para sa boys’ squad habang ang girls’ team ay binubuo ni Micaela Jasmine Mojdeh , Shania Joy Baraquiel, Sophia Rose Garra, Riannah Chantelle Coleman, Maxene Hayley, Liv Abigail Florendo.

Pinangunahan ng multi-titled junior standout na si Aishel Cid Evangelista ang boys’ water polo squad kasama sina Elijah Caleb De Leon, Lance Edrick Adalin, Matthew Cameron Dasig, Julian Christi Malubag, Miel Joaquin Ugahan, Kenzzie Trey Dumanglas, Niklas Joaquin De Guzman, Andrei Karl Alagban , Joaquin Federico Mirasol, Alexandre Gabriel Establicida, Dave Russel Geda, at Sean Gabriel Enero, habang ang girls squad ay binubuo nina Sofia Isabel de Guzman, Ashly Ann Addison, Alexandra Raesher Dela Paz, Josie Ann Addison, Mitzie llegunas, Julia Ysabelle Basa, Aygana Ladip, Elizha Joyze Ferrer, Grazielle faith burgos, Shinloah Yve San Diego, Judith Margarette Morrison, Cyril Ann Espongia, at Samantha Janine Balagot.

Hahataw sa divoing team sina Ma. Gabrielle De Jesus, Chloe Collado,at  Jana Mary Rodrigue.  “So, what we have here is a team composed of swimmers who shows their worth as serious competitors. And now it’s up to try and go beyond their current worth, and we, on the other hand, continue our monitoring and evaluation of ang kanilang pag-unlad. Ito ay bahagi ng aming programa na may layuning makalikha ng susunod na pangkat ng mga tunay na pambihirang at malalaking atletang handa sa labanan,” ani Buhain. (DANNY SIMON)