NAITAKAS ng powerhouse Don Pacundo Cavite Sealions ang panalo kontra Sta Rosa Lions Saints , 86-81 upang mabalikwas mula sa sorry loss nito sa pagpapatuloy ng eliminations ng Sinag Lakas Kwarenta nitong nakaraang weekend sa Activity Cener ng SM Southmall sa Las Pinas City.
Ibinuhos ng tropa nina team owner/coach Jemuel Laron at Danny Billones ang ngitngit ng Sealions at hindi sinanto ang Lions Saints partikular sa first half kung saan ay naiposte ang double digit na kalamangan sa pinagsama puwersa nina Enarson Navalta,Harold Obet Faner Maeng Juinio at Ron Zagala .
Nagtapos ang ang second quarter sa halftime score na 43- 36 pabor sa Don Pacundo.
Lumobo pa ang agwat ng Sealions kontra Lions 57-40 , sa pukol na tres ni Mark Marcos ,6:40 sa third pero unti-unting tinapyas ito ng Gilbert Malabanan-led Lions Saints ni coach Dario Gomez hanggang makalapit sila sa krusyal na endgame 81-84 under 1 minuto na lang sa laro.
Nagpalitan ng turnovers ang magkabilang- panig upang maitakas ng Sealions ang panalo para umakyat sa 4- 2 standing kasosyo sa standing ang tatlo pa sa ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pangunguna ni chairman Rocky Chan at president Ray Alao.
Ang 2×2 sa line conversion ni Dexter Gobis ng Cavite ,5 segundo na lang sa laban na naging pinal na pambali sa gulugod ng tropang Laguna.
“Si Ronzag ang trusted player ng Sealions sa loob na ng isang dekada na nakapagbigay ng mga kampeonato sa team kasama pa si Maeng ( Juinio) na mula pa sa Tarlac at up to this juncture ay maasahan pa rin ng Sealions.suma total ay teamwork at depensa ang susi ng panalo”, pahayag ng bateranong playing team owner/ coach Laron.
“Depensa ang dahilan dahil bantay- sarado ang kanilang mga shooters kaya umangat kami sa opensa”, panegunda naman ni game’s best player Navalta.
Ang Don Pacundo Sealions ay nasa timon din nina team managers Francisco Ocampo at Dean Banzon,co-ownersina Katherine Laron Ryan Dalosa habang kaagapay na bench tacticians ni coach Jemuel sina Dwight Manuel at Ryan Rodriguez.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON