Simula sa July 31, mapapanood na sa TV5, Cignal, One PH at NBA TV Philippines ang laro ng NBA. Inihayag ng Cignal TV na sila ang naging partner ng NBA sa broadcast rights.
“Basically, Cignal TV will have an NBA channel, it’s NBA TV Philippines. This is previously NBA Premium. This channel is available on Cignal TV but will also air a game or two on weekends on TV5,” pahayag ni Guido Zaballero, Cignal TV’s First Vice President for Network Marketing.
Aniya, sisimulan ng Cignal TV ang pagpapalabas ng laro sa July 31 ng NBA season restart. Ito ay mapapanood sa NBA TV Philippine channel 292 onHD at 96 on SD.
Samantala, ipalalabas naman mula 1-2 laro sa TV channel TV5 tuwing weekends. Ayon kay Zaballero, ginawa nila ang hakbang upang matuwa ang Filipino NBA fans.
Kaugnay sa nangyaring deal kung papaano nakuha ng Cignal ang rights at kung mahgkano ang ibinayad, hindi ito dinetalye ni Zaballero.
“I can’t divulge the price… but let’s put it this way. We all know that we didn’t have the NBA for a long time, and mahaba din ang naging discussion.”
“It’s suffice to say we just ensure it comes in a price that is more reasonable para maibalik natin ang NBA sa Pilipinas,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!