May 16, 2025

SIMPLENG SALU-SALO ISINAGAWA PARA SA BENTENG BIGAS MERON (BBM) PROGRAM SA KADIWA CENTER

QUEZON CITY — Isang simple ngunit makabuluhang salu-salo ang isinagawa ngayong araw sa Bureau of Animal Industry (BAI) sa Quezon City bilang bahagi ng pagpapatuloy ng Benteng Bigas Meron (BBM) program sa mga KADIWA Center.

Pinangunahan ang aktibidad ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasama sina DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra at NFA Administrator Larry R. Lacson, Ph.D.

Dumalo rin ang ilang opisyal, konsumer, at kinatawan ng iba’t ibang sektor na sumusuporta sa layunin ng BBM — ang pagtiyak ng abot-kayang bigas para sa bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng KADIWA rolling stores at community centers.

Sa salu-salo, pinasalamatan ni Secretary Laurel ang lahat ng katuwang sa inisyatiba, kabilang ang NFA, local government units, at private sector partners.

“Hindi lang ito tungkol sa bigas, kundi sa pagtutulungan para sa seguridad sa pagkain ng ating mamamayan,” pahayag ni Laurel.

Ang BBM program ay bahagi ng mas pinalawak na kampanya ng gobyerno na tiyaking may murang pagkain sa bawat hapag lalo na para sa mga low-income communities.

Patuloy ang pag-ikot ng BBM sa iba’t ibang lugar sa bansa katuwang ang KADIWA Centers upang maabot ang mas maraming Pilipino.