
NASUNGKIT ni US gymnastic star Simone Biles ang kanyang ika-anim na Olympic gold medal sa harap ng napakaraming tao sa Paris Games noong Huwebes, Agosto 1, na muling iginiit ang kanyang katayuan bilang No. 1 all-around gymnast tatlong taon matapos siyang umatras sa parehong final noong ang Tokyo Games.
Nahigitan nito sa nasabing laban si Rebeca Andrade ng Brazil na itinuturing nitong matinding katunggali.
Nakakuha ito ng kabuuang 59.131 points na mas lamang ng 1.199 points laban sa Brazilan gymnast.
Ito na ang pangalawang all-around gold ni Biles matapos na magwagi ng team gold noong nakaraang mga araw. (RON TOLENTINO)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification