December 21, 2024

SIM CARD REGISTRATION SIMULA NA SA DISYEMBRE 27

SISIMULAN na ng mga Telecommunications firms sa Disyembre 27, 2022 ang SIM card registration.

Ito ang kasunod sa pagiging epektibo na ng implementing rules and regulations o IRR ng Sim Registration Act matapos na mailathala ng National Telecommunications (NTC) ngayong araw ng Lunes, Disyembre 12.

Ayon sa IRR ng NTC, ang sinumang Telco subscriber na bigong makapagparehistro sa itinakdang petsa o deadline ay made-deactivate ang kanilang SIM card.

Ang mga Telco operators o public telecommunications entities (PTE) na bigong mairehistro ang SIM ng kanilang subscriber na walang sapat na dahilan ay mahaharap sa multang aabot sa P1 million.

Sa pagpaparehistro ay kailangang magpakita ng subscriber ng kanyang larawan kasama ang anumang valid government-issued ID.

Mayroong 180 na araw ang mga subscriber para maiparehistro ang kanilang SIM.

Nakasaad din sa IRR na ang SIM registration ay gagawin electronically sa ligtas na platform o website na ilalabas ng mga telcos.

Una nang naipasa ang batas na may layuning masawata ang mga scammers na gamit ang iba’t-ibang sim o numero.