January 28, 2025

Silverio compound sa Parañaque isinailalim sa 15-day calibrated lockdown

Nagmistulang ghost town ang Silberio Compound sa Barangay San Isidro, Paranaque City matapos isailalim sa 15-days calibrated lockdown. (Kuha ni JHUNE MABANAG / AGILA NG BAYAN)

ISINAILALIM sa 15 araw na calibrated lockdown ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang isang compound sa Barangay San Isidro mula Agosto 20 hanggang Setyembre 3.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ini-lockdwon ang Silverio Compound upang malimitahan ang kilos ng residente matapos makapagtala ang City Health Office (CHO) nang kabuuang 323 kumpirmado at 95 na aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing lugar.

Sinimulan na rin ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources (CENRO) ang clearing at decontamination activities sa lugar.

Ayon kay City Adminitrator Atty. Fernando Soriano, magsasagawa rin ang CHO ng mass testing at contact tracing sa mga residente sa unang tatlong araw ng calibrated at reasonable lockdown sa Silverio Compound. Agad naman isasalang sa isolation ang makikitaang magpopositibo sa coronavirus.

Makatatanggap aniya ng P5,000 cash aid ang miyembro ng pamilya na magpopositibo sa sakit at house to house na ipamimigay ng lokal na pamahalaan ang food packs sa lahat ng resident eng Silverio Compound habang umiiral sa lugar ang lockdown at 24-hour curfew.

Nabanggit din ng naturang city administrator na pansamantalang hindi magagamit ng residente sa compound ang kanilang quarantine passes na ibinigay sa kanila, at tanging nagtatarabaho lang sa gobyerno at frontliner ang pinapayagang makalabas ng kanilang pamamahay.