January 23, 2025

Silip Pansin: ” Ang pagtawag kay Saulo” ( Gawa 9:1-18)

Samantala, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin Ang mga alagad ng Panginoon.kaya’t lumapit siya sa pinakapunong saserdote,at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya.

Ang sinumang matagpuan niya roong kaanib sa bagong pananampalataya-maging lalaki ,maging babae-at madala sa Jerusalem.Naglakbay si Saulo patungong Damasco.Nang malapit siya’y malapit na sa lunsod,biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag Mula sa langit.

Anupat nasubasub siya. At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya ,”Saulo , Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino Po kayo, Panginoon”?

”Ako’y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon sa kanya.

Tumindig ka’t pumasok sa lunsod. Sasabihin sa iyo roon Kung ano ang dapat mong gawin.”

Natilihan ang mga kasama ni Saulo;narinig nila ang tinig wala silang makitang sinuman.

Tumindig si Saulo at idinilat Ang kanyang mga mata ngunit Hindi siya makakita,kaya’t inakay nila hanggan sa Damasco.Tatlong araw na hindi siya nakakita,at hindi kumain ni uminom.

Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala’y Ananias.Tinawag tinawag siya ng Panginoon sa isang pangitain,”Ananias!”

“Ano Po yun Panginoon.” tugon niya.”Pumunta ka sa kalye Matuwid,sa bahay ni Judas at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tirso na ang pangala’y Saulo,”sabi NG Panginoon.”

Siya’y nanalangin ngayon.Sa isang pangitain,nakita ka niyang pumasok sa kinaroonan at pinatungan mo siya ng kamay upang nakakita.”

Sumagot si Ananias,

Panginoon,marami na Po ang nagbalita sa akin tungkol sa taong ito,tungkol sa kanyang kasamaang ginagawa sa iyong mga Banal sa Jerusalem.At nagparito siya sa Damasco,taglay ang kapangyarihang galing sa mga punong saserdote upang dakpin ang lahat na tumawag sa iyong pangalan.”

“Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon;

“Pumaroon ka!Sapagkat hirang ko siya upang ipakilala. Ang aking pangalan sa mga Hentil,sa.mga Hari,at sa mga anak ng Israel.At ipaalam ko sa kanya Ang lahat Ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.

Pumunta si Ananias. Pumasok sa bahay at ipinatong Ang kanyang kamay sa ulo ni Saulo,”wika niya.

Pinapunta ako rito ng Panginoong Jesus na napakita sa Iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito.Sinugo niya ako upang muli Kang makakita,at mapuspos ng Espiritu Santo.” padakay may nalaglag na tila mga kaliskis Mula sa mga mata ni Saulo,at nakakita siya.Tumindig siya agad at nagpabautismo .kumain siya at nanauli ang kanyang lakas.