January 23, 2025

SILIP-PANSIN: Ang Banal Na Salita Ng Diyos (Gawa 5:17-31)

Inggit na Inggit naman Ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niyang kaanib sa sekta ng mga Saduseo,kaya’t kumilos sila.Dinakip nila ang mga apostol at ibinilango.

Ngunit kinagabiha’y binuksan ng angel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas Ang mga apostol .Sinabi nito sa kanila,”Pumaroon Kayo sa templo at mangaral sa bagong pamumuhay na ito.

Sumunod naman Ang mga apostol,kaya’t nang magbubukan liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo.Nang dumating ang pinakapunong saserdote at mga kasamahan niya,tinawag nila Ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin.

Ipinakuha nila sa bilangguan Ang mga apostol .Ngunit pagdating doon ng mga bantay,Wala na Ang mga iyon.Kaya’t nagbalik sila sa Sanedrin at ganito Ang ulat:

Nakita po namin na nakasusing mabuti Ang bilangguan at nakatayo Ang mga bantay.Ngunit nang buksan namin,walang kaming nakitang tao sa loob!

“Nabahala Ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo NG marinig ito,at di nila maubos na maisip kung ano Ang nangyari sa mga apostol.Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila,”Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo’t nagtuturo sa mga tao”.

Kaya’t Ang kapitan ay pumunta sa templo kasama Ang kanyang mga tauhan.Isinama nila ang mga apostol,ngunit hindi gumamit ng dahas dahil sa pangambang sila’y batuhin ng tao.Hiniharap nila sa Sanedrin Ang mga apostol at siniyasat NG pinakapunong saserdote.

Mahigpit namin ipinagbawal sa inyo ang pangangaral sa pangalan ni Jesus na iyan,”wika niya.”

Ngunit tingnan ninyo Ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong aral,at ibig pa ninyo kaming panagutin sa dugo ng taong iyan.

“Ngunit sumagot si Pedro at ibang mga apostol,”Ang Diyos Ang dapat namin sundin,hindi ang tao.

Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay Kay Jesus na pinatay ninyo nang ipabitay sa Krus.

Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at tagapagligtas,upang mabigyan pagkakataon Ang mga Israelita na magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan,at sa gayon,sila ay patawarin.