LALARGA na ang ikatlong edisyon ng SIKARAN Festival sa Tanay HANE 2024 sa Nobyembre 10.
Ang naturang kaganapang tradisyunal na sining marsyal sa pangunguna ni Global Sikaran Festival Raven Tanay founder Master Crisanto Cuevas ay iniimbitahan ang lahat ng entusyastiko sa larangan martial arts na lumahok sa prestihiyosong traditional sports at camaraderie na gaganapin sa Tanay Basketball Gymnasium.
“I’m inviting all martial arts prctitioners to join our yearly traditional martial arts event to show their wares and skills in our Tanay bailiwick come November 10. Welcome all enthusiasts!” wika ni Tanay Raven Sikaran head at US- based Global Sikaran Foundation (GSF) secgen Master Cuevas kasabay ng kanyang pasasalamat sa katuwang na GSF, Tanay Sikaran Martial Arts, Asian Traditional Sports and Games Association, Baba Yuko at Tetsuya Tsuda ng Traditional Sports, Tanay HANE at Pamahalaang Bayan ng Tanay sa pamumuno ni Mayor Tanjuatco.
Nagpugay din si Master Cuevas sa Sangguniang Bayan ng Tanay sa kanilang resolusyon bilang pagkilala sa kagitingan at ambag na karangalan sa bayan ng Tanay Raven Sikaran team na nag-overall champion sa Cebu national championship kamakailan.
Ang SIKARAN ay itinatag sa bansa ni GSF Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag na nakabase na ngayon sa Estados Unidos. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA