January 23, 2025

Sikaping makabawi ang turismo, agrikultura

Binuksan na noong June 16 ang nangunguna sa pinakadinarayo ng mga turista, ang Boracay island, na bahagi ng unti-unting pagpapatuloy ng aktibidad ng ekonomiya matapos ma-lockdown ang iba’t ibang lugar sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang pagpapatakbo ng turismo ay maaari na ngayong magpatuloy sa isla ngunit sa 50 porsiyento lamang na kapasidad sa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ. Ang iba pang sikat na pasyalan, gaya ng Baguio at Bohol ay binuksan na rin na may 50 porsiyento kapasidad.

Tumatanggap na ngayon ang Boracay ng mga bisita na karamihan ay puro taga-Western Visayas. Ayon kay Secretary of Tourism Berna Romulo Puyat na mayroong mga cruise ships na bumibisita sa isla subalit hindi pinapayagan ang mga dayuhang bisita.

Ang turismo ang siyang nangungunang programa sa bansa lalo na ngayon sa panahon ng coronavirus. Nakapag-ambag ng P2.48 trilyon sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2019. Ani ni Puyat, mas mataas ng 10.8 porsiyento kung ikukumpara sa P2.24 trilyon noong 2018. Habang ang domestic tourism ay nakapag-ambag ng P3.14 trilyon noong 2019, mas mataas ng 10.4 porsiyento sa P2.85 trilyon noong 2018.

Ang pagbubukas ng Boracay noong June 15, kahit na sa mga lokal na bisita lamang at sa 50 porsiyento lang ang karaniwang kapasidad, ang siyang pinakamalinaw at natatanging pag-asa na plano ng ating bansa matapos ang tatlo hanggang pang-apat na buwan na sumailalim sa iba’t ibang lebel ng quarantine na nagparalisa sa lahat ng aktibidad ng ekonomiya.

Isa pa ring dapat makabawi ay ang ating agrikultura. Ayon kay Secretary of Agriculture William Dar, handa nilang tulungan na magkaroon ng hanapbuhay ang libo-libong Overseas Filipino Workers  na napilitang umuwi ng Pilipinas matapos pinsalain ng COVID-19 ang ekonomiya ng ilang daang bansa kung saan nagtatrabaho ang ating mga OFW.

Sa paghina ng ekonomiya ng Pilipinas, tinantiya ng Department of Labo na sa Disyembre, 2021, hindi bababa sa isang milyong OFW ang mapipilitang umuwi. Noong nakaraang buwan, sinabi nito, 323,537 OFW ang nawalan ng trabaho, karamihan ay sa Middle East.

Kaya naman naglatag ang agribusiness ng malaking oportunidad hindi lamang trabaho kundi maging investment, ayon kay Secretary Dar. Malaki rin ang maitutulong ng agrikulutra para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Today agriculture  contributes  only a minor part of the nation’s annual  economic growth , he said.  Kailangan din nating i-import ang mga bigas ng ating bansa mula sa Thailand at Vietnam.

Hindi pa tapos ang laban natin sa COVID-19 pero napapanahon na para magsimula ng pagpapalano para sa makabagong mundo.
Sikapin natin na buhayin ang turismo at agrikulutra sa bansa kahit paunti=unti – kung saan mayroon tayong magandang potensiyal at oportunidad.