PAULIT-ULIT ang banta ni PRO4A Regional Director, Police Brigadier General Vicente Danao sa mga corrupt na pulis na sangkot sa extortion, droga at katiwalian.
“Criminal actions determines no one, Di kumikilala ang mga yan! Huwag tayo magpadala sa suhol o areglo, walang malaki o maliit na kaso basta droga, The worst part of it eh kung may paisa-isa pa rin involved, I already DISCHARGED (from the service). Police officers na matigas ang ulo ayaw magbago, AWOL, involved sa extortion at mangilan-ngilan sa droga, I don’t care kung magalit kayo sa akin! Sino pa ang didisiplina sa inyo kung di natin gagawin ito? Kung di tayo sino? Kung di ngayon? kailan pa? This is the right time (PRRD’s time) na labanan ang droga at patuloy na litisin ang tiwali sa ating hanay, Let us put a stop on it! Caution each other, Being an officer please TOE THE LINE, maging ehemplo tayo, Nakikiusap ako sa inyo, Ipagpatuloy ang maayos na trabaho,” wika ni Danao.
Yaman lang din kasi disiplina sa mga pulis ang pag-uusapan, hindi magpapatalo riyan ang magiting na heneral. ‘Di ba kasamang Bernie Gamba?
Desedido kasi na maibangon ni Danao ang imahe ng ating kapulisan kaya walang tigil ang kanyang “Oplan Litis” o “Litisin Tiwali at Scalawag” sa hanay ng pulisya bilang bahagi ng kanyang epektibong internal cleansing na naaayon rin upang makamit ang “Tres Puntos” ni PNP Chief, Lt. Gen. Camilo “Piko” Cascolan na ang pulis ko’y “Responsable, Respetado at Disiplinado.”
Sabi pa ni Ka Bernie, hindi raw titigil si Danao hangga’t hindi nawawalis ang mga sumisira sa pambansang pulisya. Tumpak!
Anuman ang mangyari, isasakatuparan nito ang layunin na mailapit ang mamamayan sa mga pulis sa pamamagitan ng paglilinis sa hanay.
Ang bulong pa sa atin ni Ka Bernie, na pinarangalan daw ni Danao ang mga tauhan nito na nagsilbing “Top RD’s investigators” sa pagsusuri ng mga draft decisions na nagresulta sa resolusyon ng 934 admin cases at aksyon sa mga reklamo laban sa kapulisan.
Napapadalas na nga ang pakikipag-usap nitong si Danao sa mga pulis subalit nakalulungkot lang na may mangilan-ngilan pa ring naliligaw ng landas pero naaksiyunan din ng mamang heneral dahil seryoso nitong ipinatutupad ang “Internal Cleansing/Oplan Litis sa buong Calabarzon.
Masasabi nating nasa tamang landas si Danao. Patunay lamang na dedicated siya sa trabaho at handang gawin ang lahat para mawalis ang mga sumisira sa PNP. Marami nang naging Calabarzon chief pero ngayon lamang nagkaroon nang tunay na paglilinis na walang halong pagkukunwari. Ipinakita ni Danao na kakaiba siya at marami pang gagawin para lubusang mawalis ang mga scalawags.
Sabi pa nga sa atin na Ka Bernie, epektibo talaga ang Oplan Litis na bahagi ng PNP internal cleansing kung saan nakasuhan ang mga pasaway at abusadong pulis dahil sa indiscriminate firing o illegal discharge of firearms at breach of internal discipline. Buti nga sa inyo.
Bukod pa raw diyan, sinibak naman sa serbisyo ang mga nag-AWOL na pulis at mangilang-ngilang tiwali na sangkot sa extortion at droga, katiwalian na hindi lulusot kay RD Gen. Danao.
“HINDI tayo titigil sa paglilinis sa ating hanay, hanggat nandito ako, Di tayo papayag na may lulusot na iskalawag lalo sa droga, Nakikiusap ako sa inyo. Ituloy natin ang maayos na serbisyo, Huwag magpadala sa temptasyon o suhol lalo sa droga, Please not in my time! Let this be the start of new E.R.A ng tunay na PAGBABAGO. Be a good Example, Responsible and accountable in all our actions, mag-SERBISYO tayo para sa ating mamamayan”, dagdag pa ni RD Gen Danao.
Tiyak na aabangan ng taumbayan ang mga gagawin pa ni Calabarzon Regional Director, Police Brigadier General Vicente Danao para lubusang malinis ang imahe ng PNP. Sige pa General, saludo kami sa inyong ginagawa!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE