January 23, 2025

Sigaw ng mga netizen… DINGDONG DANTES, ‘DI RAW MAGANDANG HALIMBAWA BILANG PH NAVY LIEUTENANT

ANG sigaw nga ng netizens ay tanggalin na si Dingdong Dantes sa pagiging lieutenant commander ng Philippine Navy.

Ito’y dahil kontra raw ang aktor sa pamamalakad ng ating gobyerno lalo na sa paghawak sa COVID-19 at Anti-Terrorism Law na kamakailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito marami ang kumunot ang noo at nagsasabi na dapat na niyang hubarin ang pagiging Navy reservist niya.

Malinaw raw na kampi siya sa kalaban at hindi sa ating gobyerno.

“Malinaw na nahihirapang bigyan ni Dingdong ng justice ang pagiging lieutenant niya, gayung kampi siya sa mga terrorist. Saan pa raw ang kanyang pakikibaka, kung ang poprotektahan niya ay ang kalaban ng Pilipinas. Kung magpapatuloy siya sa kanyang posisyon bilang isang PH Navy Lieutenant, lumalabas lamang siya na isang balimbing,” mataray na pahayag ng mga ayaw kay Dingdong Dantes.

“Hindi rin naman siya mauunawaan, dahil tiyak na magiging spy lamang siya ng mga terrorista. Kaya nga ang hiling ng mga netizens ay magbitiw na ito sa kanyang posisyon. Kung gusto niyang maging Anti-Terrorist, doon na lamang siya magpokus. Mahirap daw sa tao ang isang balimbing, dahil hindi ito pwedeng pagkatiwalaan sa kanyang mga kilos at gawa,” dagdag pa nila.