Nasa halos 200 healthcare workers mula sa mga pribado at pampublikong hospital ang nagsagawa ng malawakang kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga nagkilos-protesta ay mga medical at non-medical workers mula sa San Lazaro Hospital (SLH), Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), Metropolitan General Hospital at iba pa, habang sumusuporta naman sa kanila ang ilang kawani ng Philippine Medical Association (PMA).
Muli nilang iginigiit ang pagbibitiw sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III dahil anila wala na itong silbi lalo na’t hindi niya maipaliwanag kung saan napupunta ang pondo ng DOH.
Nais din ng grupo na panagutin at makasuhan si Duque dahil sa anomalyang paggastos ng P67-B na pondo para sa COVID-19 response.
Bukod pa rito, umaapela ang mga healthcare workers sa gobyerno na ibigay na ang mga ipinangakong allowances tulad ng meal, accomodation, transportation at Special Risk Allowance (SRA). Hiling din ng grupo na gawing regular na sa kani-kanilang trabaho ang mga casual healthcare workers at iitaas ang kanilang sweldo kasabay ng pagbibigay ng P5,000 Active Hazard Duty Pay (AHDP).
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT