
SA kulungan ang bagsak ng 19-anyos na siga umano ng Tondo matapos dumayo para manggulo at maghamon ng away habang armado pa ng baril sa Caloocan City, Martes ng gabi.
Sinigawan din at inangasan ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ng suspek na si alyas “Cristobal” ng Juan Luna St. Brgy. 9, Tondo, Manila na dahilan upang puwersahan siyang dakpin nina P/Cpl. Joel Taboga at P/Cpl. Andy Cruz ng Police Sub-Station-6 na nagresponde sa lugar.
Sa ulat ng tanggapan ni Col. Lacuesta, dakong alas-8:30 ng gabi nang humingi ng tulong sa pulisya ang mga residente ng Rivera Bukid, Brgy. 163, Sta Quiteria matapos magwala, maghamon at magsisigaw ang suspek habang nagwawasiwas ng baril sa hindi pa matukoy na dahilan.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Lacuesta sa suspek ang gamit na isang kalibre .38 revolver na may limang bala sa chamber na gamit niya sa pananakot at paghahamon ng away.
Mahaharap ang suspek sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE