
Sa panahon kung kailan tila naging normal na ang mabagal na serbisyo at kakulangan ng malasakit mula sa ilang mga opisyal ng barangay, isang liwanag ang sumisikat sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal — si Kapitan Benson Conde.
Tulad ni Pasig City Mayor Vico Sotto, pinapakita ni Kap. Conde na posible pa rin ang mabilis, maayos, at makataong pamamahala sa lokal na antas. Kamakailan lamang, isang suliraning matagal nang kinikimkim ng mga kalugar ko sa-Sitio Felix — ang baradong kanal — ang agad niyang inaksyunan matapos makalampag ang kanyang tanggapan. Hindi nagpatumpik-tumpik si Kapitan. Sa halip, agad niyang ipinakalat ang tauhan para masolusyonan ang problema.
Hindi dito nagtapos ang kanyang serbisyo. Naglagay rin siya ng mga solar street lights sa lugar, isang malinaw na hakbang hindi lamang para sa kaginhawaan kundi para sa kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan. Sa panahong mataas ang presyo ng kuryente at limitado ang pondo, malinaw na ang mga proyektong tulad nito ay bunga ng maingat na pagplano at tamang paggamit ng pondo ng barangay.
Higit sa lahat, isinusulong ni Kap. Conde ang good governance at transparency — dalawang mahalagang haligi ng matuwid na pamumuno na matagal nang isinisigaw ng mamamayan. Sa kanyang liderato, muling nabubuhay ang pag-asa na kaya palang baguhin ang sistema, basta’t may tapang, integridad, at malasakit ang namumuno.
Ang Barangay San Andres ay maswerte na magkaroon ng isang kapitan na hindi natutulog sa pansitan. Sana’y magsilbi siyang inspirasyon sa iba pang barangay leaders sa buong bansa. Sa mga panahon ng kagipitan, dapat lang na ang lider ay hindi lang naroroon sa tarp o sa tarpaulin — kundi aktibong gumagalaw, nakikinig, at tumutugon. Kung may mas maraming Kap. Benson Conde sa Pilipinas, mas maliwanag ang kinabukasan ng ating mga komunidad.
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o timawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected].
More Stories
JOSHUA PACIO WINAKSI SI BROOKS SA BRUTAL NA PARAAN
10-TAONG GULANG NA BATA, PATAY SA TULI
‘SCAM HUB’ SA CEBU, NABUKING SA VIRAL VIDEO