“Tunay na pagbabago!”
Ito ang mensahe ng tumatakbong congressman sa Muntinlupa City na si Atty. Silverio Garing sa mga botanteng Muntinlupeño, lalo na sa kabataan na naghahanap ng pagbabago, ngayong papalapit na ang araw na muling mahahalal ang bayan ng mga susunod na lider.
Ayon kay Garing, ang mga panawagan para sa pagbabago ang kanyang nagiging lakas para tumakbong congressman sa naturang lungsod.
Umaasa siya na sa mga susunod pang mga araw, bago sumapit ang araw ng eleksiyon ay makikita ng mas maraming Muntilupeño lalo na ng mga kabataan ang mga katangian ng isang Silverio Garing na isang mahusay na lider at tapat sa kanyang tungkulin bilang isang lingkod-bayan, at siya na ang piliin bilang kongresista.
Sinabi pa nito na ang team nila ang karapat-dapat iboto ng mga Muntinlupeño dahil sa kanilang magagandang plataporma at alok na solusyon sa mga problema ng Muntinlupa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA