December 23, 2024

SHOPEE DELIVERY RIDERS DISMAYADO SA DELAY NA SALARY, BENEPISYO ‘DI BINAYARAN

DISMAYADO ang ilang daang gig economy delivery motorcycle riders sa giant online seller na Shoppee at sa mga contractor nito kaugnay sa delay na salary, hindi biniyaran ng insentibo at benepisyo, hindi pagbabayad ng insurance sa aksidente.

Nakatakdang maghain ng iba’t ibang labor complaints sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa Placer 8 Agency at Shopee ang nasa 600 delivery riders dahil sa hindi pagbabayad ng salary at benepisyo simula Oktubre 2020 kabilang na rin dito ang mandatory 13th month pay na dapat ibigay noong Disyembre 24 nitong nakaraang taon.

“However, as the industry grows, it is also rife with fly-by-night and abusive online contractors and subcontractors victimizing riders who wanted to make a decent job and fair working conditions,” ayon kay Estrella.

Noong Nobyembre 2020, daan-daang Foodpanda delivery riders ang nagsagawa ng picket sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros upang iprotesta ang dating polisiya ng kompanya na bawasan ang rate ng kanilang salary at benefits na kanilang matatanggap.



Ayon pa kay Estrella, umabot sa higit 400,000 ang bilang ng delivery at ridesharing motorcycle risers dahil sa paglaganap ng contactless mobile app  transaction na nabuo dahil sa quarantine restriction.

“Many of these riders were workers from the formal sector unemployed by company shutdown and retrenchments resulting from the pandemic economic and health crisis,” sambit niya.

Ang Sakay Transport Cooperative ay isang cooperative organization na binubuo ng delivery at ridesharing riders at isang associate member ng Associated Labor Unions (ALU).