Mananatili sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa Bureau of Immigration sa Maynila.
Si Shiela ay kapatid ni dismissed mayor Alice Guo.
Kasunod ito ng pagbalik nila sa Pilipinas matapos harangin at arestuhin sa Indonesia.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Asec. Mico Clavano, kakaharapin ng dalawa ang mga reklamong paglabag sa immigration laws.
Matatandaang may inilabas nang arrest order laban sa kanila ang Kongreso dahil sa hindi nila pagdalo sa mga pagpapatawag para sa hearing ukol sa POGO.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR