Nang rumagasa ang pandemya sa Pilipinas dulot ng COVID-19, maraming indibidwal, negosyo, at bayan ang napadapa, isa rito ang bayan ng Taytay, Rizal.
Gayunpaman, sa kasagsagan din ng pandemya sa Taytay, nagkaroon ng inisyatibo ang mga mamamayan na tumindig at magpaabot ng tulong para sa kanilang kapwa Taytayeño.
Isa sa mga mamamayang ito ay si Former Councilor Sharon De-Leon Macabebe.
Simula pa lamang ng pandemya, isa na siya sa umaalalay sa iba nating kababayan.
Sa maliit niyang kaparaanan at mula sa sarili niya ring bulsa, ay nakapagpapa-abot siya ng tulong gaya ng pagbabahagi ng munting grocery package sa bawat pamilyang nakikita niyang karapat-dapat na tulungan.
Ayon kay Macabebe, malaki naman talaga ang maidudulot ng pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno para sa mas malawakang pagtulong.
Ngunit, hindi rin dapat ito ang nakapaglilimita sa isang mamamayan upang patuloy na magbahagi sa kaniyang kapwa.
Para rin sa kaniya, dedikasyon, pagmamahal sa ginagawa, puso para sa bayan, at ang pananampalataya sa Diyos pa rin ang pinakamabisang mga hakbang upang patuloy na makibaka sa pagtulong sa kapwa.
Sa kabuuan, hindi naman maikakaila na marami ang hirap na pagdadaanan para sa pagsisilbi sa bayan.
Ngunit kung magpapatuloy tayong pairalin ang pagmamahal sa lahat ng ginagawa natin, kayang-kaya nating umusad, at di kalaunan ay magtagumpay.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI