Masayang inanunsiyo ni Sharon Cuneta na negatibo na sa COVID-19 ang kaniyang buong pamilya.
Sa kaniyang Instagram account, ay kinumpirma ito ng singer-actress kung saan nagpost pa ito ng inspirationa photo message ni Joseph Prince na isang senior pastor ng New Creation Church.
May kaunting caption na nakasulat na nagsasabing lahat sila ay negatibo.
Kinumpirma naman ni Senator Francis Pangilinan sa kaniyang social media na ito ay nag-“false negative” kasama ang kaniyang asawang si Sharon at mga anak.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay inamin ng singer na nagpositibo ang senador sa COVID-19 kaya ito ay nag-isolate matapos na siya ay ma-expose.
More Stories
PH Memory Team target ang GM title sa Asian tilt
Babaeng drug suspect timbog sa P149K shabu sa Caloocan
Sangkot sa POGO at droga… UTOL NI EX-PRESIDENTIAL ADVISER MICHEAL YANG TIMBOG SA NAIA