December 27, 2024

SHARON CUNETA, NAGAMIT DIN ANG HIWALAYAN ISYU PARA SA PROMO MOVIE ENTRY N’YA SA MMFF ’23

HINDI na nagulat ang madlang pipol sa mga post ni Sharon Cuneta, nitong nagdaang holiday season tungkol sa personal na relasyon nila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

“Kaloka siya sa mga ka-dramahan na hiwalay na siya kay Kiko Pangilinan, nag emote lang ang hitad para mapag-usapan ang movie niya na kasama si Alden Richards.

“Kaya pati ang akting niya ay hindi na pinaniniwalaan at hindi na ito convincing at wala na ring credible ang dating dahil inuunahan na niya ito ng live drama sa social media.

“Ngayong tapos na ang Metro Manila Film Festival, ang drama naman niya ay nagkabati na sila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan. Ang ganda ng timing,” salaysay pa ng aking source.