September 22, 2024

SHARKS DRAFT PICK SA GATEWAY

Isang tulog na lang, SBA draft pick na.

Magaganap na  bukas ang makasaysayang pangyayari  sa larangan ng billards sa bansa.

Magkakaalaman na kung saang koponan mapupunta ang mga top billards players ng Pilipinas sa pagsargo ng Sharks  Billards Association (SBA) Draft Pick na idaraos sa Quantum Skyview ng  Gateway Mall 2, Araneta City sa Cubao Quezon City.

“Get ready to witness the excitement as we reveal the top players who will be joining the league”, wika ni event organizer Founder/COO Hadley Mariano.

Ang SBA na kauna-unahang professional billiards league sa mundo ay inorganisa ng batang  Mariano sa layuning mapalawig ang pagtuklas ng lalaki/ babaeng talents sa bansa at mabigyan ng oportunidad ang mga batikang bilyarista sa bansa na natetengga dahil sa kakulangan ng torneo.

Naghihintay naman ang billiards community kung sino ang ilalahad na bagong SBA Commissioner kapalit ng yumaong si Manolo ‘Chino’ Trinidad.

Ang torneo ay suportado ni billards icon/godfather Perry Mariano. (DANNY SIMON)