November 23, 2024

‘Sex toy’ ng China mabenta dahil sa pandemya

Para sa single at nalulumbay dahil  lockdown dulot ng pandemya, hinikayat ni Amy ng Beijing China ang ibang kababaihan sa online chatrooms na humanap ng solusyon upang paligayahin ang mga sarili sa pamamagitan ng sex toy.

“Before, I felt a bit scared and embarrassed to use them,”  ayon sa 27-anyos na ayaw ipabanggit ang totoong pagkakilanlan.  “Then I discovered a new world.”

Plano na ngayon ni Amy na dagdagan pa ang koleksyon.

Mabenta ang sex toy ngayon sa China, na isa sa pinakamalaking exporter ng bedroom aids sa buong mundo.

Lumakas pa ang bentahan ng sex toy dahil sa coronavirus, lalo na sa mga nawalay sa kanilang mga partner dahil sa lockdown, at matagal-tagal na ring isinara ang mga public entertainment venues sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa report ng Daxue Consulting noong Marso, nakapag-e-export ang China ng 70% ng sex toy sa buong mundo.

Kabilang sa mga bansang malakas umorder ng “vibrator at sex dolls” sa China ay ang France, Italy at US.

Ayon pa sa isang alyas Feng ng Shengyi Adult Product Co, sa southern manufacturing hub sa China, nakapag-e-export sila ng 1,000 sex dolls kada buwan.

Subalit marami rin ang nangangamba dahil sa produktong ito kung saan mas pabata nang pabata ang nagiging open-minded sa sex.

“Quite a lot of women… who are sexually active have a very open attitude towards using sex toys,” saad ni Yi Heng, isang prominenteng sex at relationships advice blogger, sa AFP.

“They see it as very natural and normal.”