September 19, 2024

‘SEX AND THE CITY’ MULING MAGPAPAINIT SA HBO MAX

Muling mapapanood ang hit show na “Sex and the City” sa HBO Max.

Ito ang kinumpirma ng nasabing network, kung saan muli itong pagbibidahan ng mga orihinal na karakter maliban sa aktres na si Kim Cattrall.

Ang bagong serye, na may titulong “And Just Like That…,” ay binubuo ng 10 episode at tampik sina Sarah Jessica Parker, Cynthia Nixon at Kristin Davis, ayon sa HBO.

Gaganap si Parker bilang protagonist at narrator naman si Carrie Bradshaw. Habang best friend niya naman dito sina Nixon at Davis, abogado ang magiging ganap ni Miranda Hobbes at art dealer si Charlotte York.

Hindi naman nabanggit si Cattrall, na gumanap bilang Samantaha Jones na isang sexually liberated publicist. Hindi tinukoy ng HBO kung bakit hindi ito nakabalik.

Wala rin ibinigay na premiere date ang HBO subalit sinabi nito na nakatakdang magsimula ang production sa New York City sa huli bahagi ng tagsibol.

Si Parker, na isa rin sa nag-produce kasama sina Nixon, Davis at Michael Patrick King, na nag-post ng teaser trailer sa Instagram noong Linggo.