November 5, 2024

SERRANTES MAKATATANGGAP NG P100K BUWANANG AYUDA MULA SA CHOOKS-TO-GO

Bilang pagkilala at tulong sa atleta, makakatanggap si 1988 Seoul Olympics Boxing Bronze Medalist Leopoldo Serantes ng buwanang P100, 000 halaga ng tulong mula sa Chooks-to-Go. 

Ang 59-taong-gulang na si Serantes ay may malubhang sakit sa baga na tinatawag na COPD o Chronic Obstruction Pulmonary Disease na siyang dahilan ng matagalang pamamalagi ni Serantes sa Veterans Memorial Center.

“Just like Onyok Velasco, we cannot just forget the sports heroes that gave honor to our country in the past. We should continue to honor their legacy,” ani ni Chooks-to-Go President Ronald Mascarinas.

“In the case of Leopoldo Serantes, we deicided to give him a monthly allowance of P100,000 for the rest of his life so that he can live with dignity befitting a living hero.” dagdag ni Mascarinas.

Makalipas ang ilang araw mula nang makatanggap si Onyok Velasco ng kanyang bagong Roasted-Chicken Store at dagdag na P100,000, hindi nag-alinlangan ang dating boksingero na ipaalam sa Chooks-to-Go ang kalagayan ng kanyang dating idolo na si Serantes.

“Si Leopoldo Serantes, isa yang alamat sa boxing. Nung naguumpisa pa lang kami, nandiyan na siya. Siya na yung tinitingala na namin. Nung nag-Olympics siya, dun na nagimpisa yung pagkaidolo namin sa kanya. Nagka-medal siya tapos hindi rin siya ganun kalaking tao, maliit lang pero naka-medal at talagang malakas,” wika ni Velasco. 

“Naisipan ko na ilapit siya sa Chooks-to-Go kasi natulungan din ako. Si Serantes, nangangailangan din ng tulong. Nangangailangan talaga siya ng tulong,” dagdag ni Velasco.

Nagpasalamat naman sa Chooks-to-Go ang anak na babae ni Leopoldo Na si Leodelia Serantes para sa tulong na gagamitin upang mabayaran ang kanilang mga bayarin sa ospital at mga gamot na dapat pang bilhin.

“Sobrang laking tulong po nito para sa tatay ko. Hindi na siya mamomoblema sa araw-araw niya na gastusin para sa oxygen, sa gastusan niya sa gamutan na pang habangbuhay. Maraming salamat, Sir Ronald sa tulong niyo po sa papa ko. Malaking tulong po ito sa kanya. Maraming salamat po,” pabatid ni Leodelia.