December 25, 2024

SERBISYO NG COS, JO WORKERS PINALAWIG NI PBBM

PINALAWIG ng isang taon ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang employment ng Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno.

Ito ay kasabay ng utos na pag-aralan ang kasalukuyang estado ng gov’t workforce, kasama ang bilang ng contractual employees at bakanteng plantilla positions.

Sa sectoral meeting sa Malacañang, iniurong ng pangulo sa Dec. 31 2025 mula sa Dec. 2024 ang deadline ng engagement ng COS at JO workers na may mga kontratang mag-eexpire sa Disyembre.

Bukod dito, tinalakay din ang mga probisyon ng COA-DBM circular no. 2 o na naglalaman ng mga updated na panuntunan at regulasyon para sa COS at JOs.

Iniutos din sa mga kaukulang ahensya na i-develop ang skills at capabilities o kakayanan ng COS at JOs sa pamamagitan ng training at re-education sa tulong ng higher learning institutions.