Pumanaw na si sports icon at olympian Leopoldo Serantes, 59, (March 15, 1962- September 1, 2021. Nakipaglaban si Serantes ng mahabang panahon sa chronic obstructive pulmonary disease (COPD).
Naging markado si Leopoldo sa larangan ng boksing. Binigyan niya ng karangalan ang Pilipinas sa 1988 Seoul Summer Olympics. Nakasungkit siya ng bronze medal sa kanyang kampanya.
Bukod dito, nagwagi rin siya ng gold medals sa 1985 at 1987 Jakarta SEA Games. Siya ang naging inspirasyon nina Onyok at Roel Velasco. Kaya naman, lumusong ang magkapatid sa larangan ng boxing.
“Si Leopoldo Serantes, isa yang alamat sa boxing. Nung naguumpisa pa lang kami, nandiyan na siya. Siya na yung tinitingala na namin,” saad ni Onyok, silver medalist sa 1996 Atlanta Games.
Nitong nakaraang buwan, nagpledge ang Chooks-to-Go na magbigay kay Serantes ng monthly allowance. Ito ay nagkakahalaga ng P100,000.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD