
Pinatawan ng NBA ng 25 larong suspensiyon ang sentro ng Cleveland Cavaliers na si Tristan Thompson dahil sa paglabag sa anti-drug policy sa liga.
Nagpositibo kasi ang 32-anyos na si Thompson sa ibutamoren na isang growth hormone at SARM LGD-4033 na kadalasang ginagamit ng mga bodybuilders at weightlifters para sa kanilang muscle enhancement.
Magsisimula ang suspension nito sa araw ng Huwebes sa unang laro ng Cavs laban sa Milwaukee Bucks.
Bago napunta sa Cavs si Thompson ay naglaro na rin ito sa he Boston Celtics, Sacramento Kings, Indiana Pacers, Chicago Bulls at Los Angeles Lakers.
May average points ito na 3.8, at 3.9 na rebounds sa 12 minutong paglalaro. RON TOLENTINO
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon