
MAYNILA — Pormal nang kinilala ang Senior Citizens Partylist bilang Community Convenor ng Scam Watch Pilipinas, isang inisyatibong nakatuon sa pagbibigay proteksyon laban sa mga online scam at maling impormasyon.
Sa pamumuno ni Kinatawan Rodolfo “Ompong” Ordanes, makikipagtulungan ang Senior Citizens Partylist sa pagsasagawa ng mga digital literacy at anti-scam programs na partikular na idinisenyo para sa mga nakatatanda.
Layunin ng mga programang ito na paigtingin ang kaalaman ng mga senior citizen upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa cyber fraud at iba pang uri ng online panlilinlang.
Ayon kay Cong. Ordanes, napapanahon ang mga hakbang na ito upang tiyaking hindi napag-iiwanan at hindi nagiging biktima ang mga senior citizens sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya.
“Napakahalaga na mabigyan natin ng sapat na kaalaman at proteksyon ang ating mga nakatatanda. Kailangan nilang maging handa at maalam sa mga panganib na dala ng digital age,” ani Cong. Ordanes.
Ang pagtatalaga sa SCP bilang Community Convenor ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng Scam Watch Pilipinas na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko, lalo na ng mga vulnerable sectors, laban sa mga mapanlinlang na gawain sa internet.
More Stories
Impeachment Hindi Dapat Ginagawang Opsyonal
Bigas Bagsak Presyo! P20 Kada Kilo Lumalawak na — PSA
UP Law Profs sa Senado: Impeachment ni VP Sara Ituloy