
Tiniyak ni Senior Citizens Party List Rep. Ompong Ordanes na prayoridad sa kanyang programa ang mga senior citizens saan mang sulok ng bansa.
Aniya, nitong kamakailan lang ay nakatanggap ang mga senior citizens ng Carcar, Cebu ng payout assistance mula sa Senior Citizens Party List sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Ang Senior Citizens Partylist at si Cong Ompong Ordanes ay nagbalik kasama ang ang ating pangako sa ating mga nakakatanda na magbigay tulong sa kanila. Kaya naman tunay na ating ikinagagalak ang tuloy-tuloy na Payout Assistance sa bawat sulok ng ating bansa,” ayon kay Ordanes.
Nagpapasalamat din ang naturang solon, sa DSWD at sa lokal na pamahalaan ng Carcar, Cebu para sa suporta at tulong na maipamahagi ang payout sa mga senior citizens.

Bukod pa rito, masaya ring ibinalita ni Cong. Ordanes ang pagpapatayo ng senior citizens building para sa mga nakatatanda sa naturang siyudad.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na