December 20, 2024

SENIOR CITIZENS PARTY LIST MAY PITONG REKOMENDASYON SA DOH

NAGLATAG ng pitong rekomendasyon ang Senior Citizens Party list para kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa.

Una sa rekomendasyon ni Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ng Senior Citizens Partylist, ay dapat payagan ang mga senior citizens at immunocompromised na mag-walk-in sa mga government hospital na mayroong first at second booster shots, para makakuha ng Bivalent booster.

Dapat din anilang ipadala sa mga provincial, district hospital at barangay health centers ang bulto ng mga natitirang bakuna.

Kabilang pa sa rekomendasyon ang pagsasaayos sa registration ng senior citizens sa PhilHealth, isaayos ang delay na refund sa PhilHealth sa mga ospital at pagpapalawak sa medical referral system.

Nais din ng Senior Citizens Party list na ipatupad ng DOH at PhilHealth ang medical o health service contracting system at isulong ang pagtuturo ng first aid sa mga kabahayan at mga tanggapan para maiwasan ang pagdami ng mga death-on-arrival sa ospital.