Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Muli na naman tayong tatalakay ng mahalagang paksa sa ating lipunan.
Tapos na ang laban ni Sen. Manny Pacquiao. Alam na ng mundo ang resulta. Pero, parang wala itong epekto kay Pacquiao. Wala na siyang dapat patunayan pa. Narating na niya ang nais marating sa boksing.
Naging eight world division boxing champion siya sa loob ng 25 taong boxing career. Mahirap pantayan yun. Ang nasa isip ngayon ni Pacquiao ay ang kanyang political career.
Ito ang bago niyang laban. Ang bago niyang seseryosohin. Sa susunod na buwan malalaman ang kanyang magiging pasya kung ano ang gusto niyang takbuhan. Mananatili ba siyang senador o tatakbong presidente, bise presidente?
Samantala, inilabas na ng PDP-Laban ang kanilang pampatikim sa senatorial line-up para sa 2022 elections. Kabilang sa kanilang tiket sina Congressman Rodante Marcoleta, DPWH Sec. Mark Villar.
Gayundin sina DICT Secretary Gringo Honasan, Chief Presidential Adviser Salvador Panelo at Department of Transportation Secretary Arthur Tugade. Medyo malakas-lakas ang slate na ito.
Pero, medyo malakasa rin ang senatorial bets ng kampo nina Sen. Tito Sotto at Panfilo Lacson. Abangan natin kung sinu-sino pa ang madadagdag sa pambato ng PDP-Laban.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino