Suportado si dating Congressman Monsour Del Rosario Del Rosario ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Hindi ito nakapagtataka dahil kasama nila si Del Rosario, na isa ring olympian. Sumabak ito sa 1988 Seoul Olympics.
” Siya ay brother namin. He deserves our support. He is a pioneer to TKD and olympic fighter and older brother to us,” pahayag ng PTA.
Kaya naman, sinisimulan na ng asosasyon ang kampanya sa tubong Balolod at lumaki sa Negros Occidental aspirant at dating Kongresista ng Makati.
Batay sa lumabas na resulta ng panibagong survey, tumaas na ang awareness ng tao sa kanya. Kaya, umaangat na ratings niya sa senatoriables. Patuloy pa itong aangat sa mga susunod na mga araw.
“Nagfile po ako ng aking Certificate of Candidacy para sa Senado ngayong 2022 – upang ipagpatuloy ang aking nasimulan – lagpas 290 bills and resolutions – isa sa mga batas na pinagmamalaki ko ay ang Telecommuting Act of 2018 – na siyang ginagamit ngayong basehan para sa “Work From Home” set up ng maraming empleyado at manggagawa sa pribadong sektor at maging sa mga government offices ngayong panahon ng pandemya,” ani ng senatorial aspirant.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!