NAGPAPAPASALAMAT si Senator Richard J. Gordon sa pagkakasama ng kanyang pangalan bilang kandidato sa senatorial slates ng tatlong presidential candidates para sa kanyang pagtakbo sa pangalawang termino sa Senado ngayong paparating na election on May 9, 2022.
Ayon kay Gordon, chairman ng Bagumbayan – Volunteers for New Philippine (BVNP), nagpapasalamat siya sa pag-endorso ng mga presidential candidate na sina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, para sa kanyang re-election bid.
“I am grateful to Vice President Robredo, Senators Lacson and Pacquiao for choosing us to be part of their senatorial line-up. Clearly, this is an expression of their confidence and trust to our no-nonsense brand of leadership,” saad niya.
“It is also a strong proof that they acknowledge the hardworkwe do at the Senate, especially our relentless fight against government corruption despite the incessant attacks hurled against him for doing his sworn duty,” dagdag niya.
Tinawag ni Robredo si Gordon bilang pangunahing kaalyado sa paglaban sa katiwalian, matapos mabulgar sa imbestigasyon ng Senado ang umano’y maanomalyang transaksyon ng Pharmally Pharmaceutical, isang kompanya na nag-uugnay kay dating presidential economic adviser Michael Yang.
Dahil sa mausisa niyang paraan para lumabas ang katotohanan sa Senate investigation, nakatanggap siya ng sunod-sunod na pag-atake sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga umano’y minions at bayarang trolls nito.
“Malinaw na hindi siya mananahimik laban sa kurapsyon,” ayon kay Robredo, na siyang unang nagpakilala kay Gordon bilang unang senatorial candidate na isinama sa kanyang senatorial team.
“Matapang siyang sumasangga at nangunguna sa imbestigasyon ukol sa bilyong-bilyong pisong pondo ng gobyerno na napunta sa kuwestiyonableng mga kontrata habang milyong-milyong Pilipino ang nag-aabang ng ayuda,” dagdag niya.
Nitong nakaraang linggo lang, isinama rin nina Senator Lacson at Pacquiao ang pangalan ni Gordon sa kanilang senatorial slates. Magkakasama ang tatlong mambabatas sa 17th at 18th Congress.
Ayon kay Gordon, na isa ding volunteer chairman ng Philippine Red Cross simula 2004. Naninwala siya na ang pag-endorso ng tatlong presidential candidates ay maaring magpalakas ng kanyang mga pagkakataon para pagsilbihan nang maayos ang mga Filipino.
“Sa tulong ng ating mga kababayan, ang ating adhikain laban sa katiwalian ay magpapatuloy. Tayo ay gagawa ng mas maraming batas at imbestigasyon upang makapagbigay-ginhawa sa bawat pamilyang Pilipino,” wika niya.
Bilang beteranong mambabatas, nakapaghain si Gordon ng 116 Senate resolutions at 146 bills, kung saan 48 rito ay naging batas. Naging malawak ang kanyang karanasan bilang dating alkalde ng Olongapo City (1980-1986, 1988-1993), dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (1992-1998), at dating tourism secretary (2001-2004).
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR