
KAHIT babaero noon si bad boy o Sen. Robin Padilla, hindi raw maipagmamalaki ni Robin kay Daniel Padilla na magandang gawain iyon ng isang lalake ang lokohin ang babae niyang mahal.
“Dapat kasi ang babae nirerespeto, inaalagaan at minamahal. Unfair kung dadayain mo siya, dahil may nagustuhan kang iba, pangit iyon sa lalake.
“Noong nag-uumpisa ako sa showbiz, kaliwa’t kanan ang babae ko. Pero dumating iyong time na napagtanto ko na mali ang manakit ng damdamin ng isang babae, dahil babae rin ang aking ina. At hindi maganda, kahit sa bihin pang bad boy image ako ay ok lang.
“Sinabi ko rin iyan kay Daniel, pero hindi siya sumunod sa advice ko na huwag akong tularan. Sana malagpasan niya iyang mga maling nagawa niya sa buhay niya, at habang maaga ay mapagtantu niyang mali ang kanyang mga nagawa,” malungkot na pahayag ni Sen. Robin Padilla.
More Stories
Trabaho Para sa Kinabukasan: Labor Market ng Pilipinas Patuloy na Lumalakas — Recto
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT