November 19, 2024

SENADO, KINONDENA ANG PAGPATAY SA OFW SA KUWAIT

UMANI ng pagbatikos sa Senado ang pagpatay at pagsunog sa isang OFW sa Kuwait ng anak ng kanyang amo nitong Linggo, Jan. 22.

Sa kanyang privilege speech sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na dapat buwagin na ang sistemang umiiral sa pagre-recruit at pagdedeploy ng mga OFW sa ibang bansa.

Giit ni Estrada dapat paigtingin, ayusin at palakasin pa ang sistema ng komunikasyon.

Ayon pa rito, dapat paalalahanan ang mga lisensyadong recruitment agencies sa Pilipinas at counterpart nila sa abroad na may kalakip na reposibilidad ang kanilang negosyo.

Binigyang-diin ni Estrada na nakakahindik ang nangyari sa ating kababayan na si Julibee.

“What’s more harrowing in ranara’s case is the report by the local news outlets in the state of kuwait that the arrested perpetrator who confessed to the crime is a 17-year-old kuwaiti national and the son of her employer who allegedly raped and impregnated her. the victim was beaten, ran over by the perpetrator’s car twice and was burnt and left for dead in the desert,” galit na pahayag ni Estrada.

Kinastigo naman nina Senadora Loren Legarda at Senador Raffy Tulfo ang OWWA at DMW dahil sa pangyayaring ito sa Kuwait, dahil nabiktima rin ng mga abusadong employer sina Joanna Dimapelis at Jeanelyn Villavende.

Pahayag pa nina Legarda at Tulfo na dapat may isang hotline ang OWWA at DMW na siyang pwedeng tawagan ng mga OFW sa  panahon ng emergency o kagipitan sa abroad.

“Ang mga convention will be to naught, balewala ang magtatag ng hotline hindi bukas, ngayon nas imple po. Hindi sana minurder si Julibee kung merong numero na pwedeng tawagan ang mga OFW. It’s just exasperating and sometimes frustrating, that we can not save the life of a woman, and the others before her,” ayon kay Legarda.

Sinubukan ni Tulfo na tawagan ang OWWA hotline habang nag-iinterpelate kay Estrada pero recorded voice ang sumagot dito.

Personal naman na makikiramay si Senadora Imee Marcos sa pamilya naulila ni Julibee at magbibigay na rin sya ng kaukulang tulong para sa apat nitong supling at mga kapatid.

Humigit kumulang 154,699 na household domestic workers sa Kuwait, base sa datos ng POLO-OWWA  noong June 2022.